Batang Pinoy national finals Taclobanons athletes handa na sa laban

BACOLOD CITY , Philippines  --Ang Batang Pinoy National Finals ay magsisilbing paraan para sa mga batang atletang taga-Tacloban na makabangon sa bangu­ngot sa pananalanta ng bag­yong ‘Yolanda’.

Higit sa 30 athletes mula sa Leyte Sports Aca­demy na pawang nawalan ng tirahan ang lalahok sa 15-and-under event na sisimulan ngayong araw.

Ang mga Taclobanons ay inaruga ng Philippine Sports Commission sa Ma­nila kung saan sila nag­handa para sa Batang Pinoy National Finals na matatapos sa Pebrero 1.

“All of them were struck by the typhoon and yet they will be taking part here. It’s a good sign from the athletes, to show that they’re on their way to recovery,” sabi ni PSC chairman Richie Garcia sa press confe­rence kahapon sa Grand Regal Hotel na dinaluhan din nina Negros Occidental Vice Gov. Eugenio Lacson. re­presentative Art Puentevella at Bacolod City Mayor Monico Puentevella.

Ang mga pambato ng Leyte ang ilan sa mga 2,000 partisipante na sasa­bak sa 21 sports events.

Inaasahan ni Garcia na makikipagsabayan ang mga Taclobanons.

“Watch out for Tacloban, they will come in strong. They train in Manila with the national team, I’m sure they’ll have a good showing,” ani Garcia.

Pormal na bubuksan ang Batang Pinoy National Finals sa Bacolod Public Plaza ngayong alas-5 ng hapon.

Show comments