Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
8:30 a.m. La Salle vs UST (Men)
10 a.m. FEU vs Ateneo (Men)
2 p.m. UP vs UST (Women)
4 p.m. NU vs Ateneo (Women)
MANILA, Philippines - Naroroon pa rin ang maÂÂalab na laro ng La Salle para walisin ang dalawang pagkikita nila ng Adamson, 25-9, 25-19, 25-13, sa 76th UAAP women’s volleyball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
May 6-0 bentahe ang Lady Archers sa Lady Falcons upang maipakita ang matibay na depensa na pinangunahan ni Abigail Marano sa kanyang apat na blocks.
Tumapos si Marano, ang Miss Volleyball awardee sa PSA Annual Awards Night kagabi, taglay ang 12 puntos bukod sa walong digs pero naroroon pa rin ang matikas na paglaÂlaro nina Ara Galang, Mika Reyes at Kim Fajardo na nagsanib sa 27 hits.
“Yung first meeting naÂmin, masasabi kong suwerte lamang kami dahil nag-aadjust pa ang mga teams. Ngayon, lumalabas lamang ang ginagawa namin sa practice,†wika ng winning coach na si Ramil de Jesus na kinuha rin ang ika-25 sunod na panalo na nagsimula noon pang Disyembre 8, 2012.
Ang panalo ay nagpasok na sa La Salle sa Final Four at limang laro na lamang ang kailangan nilang maipanalo para umabante agad sa Finals bitbit ang thrice-to-beat advantage.
Si Shiela Pineda ang namuno sa Lady Falcons tangan lamang ang siyam na hits para bumaba ang koponan sa 4-5 baraha tuÂngo sa ikalimang puwesto.
Nasolo ng FEU ang mahalagang ikaapat na puwesto matapos ang 20-25, 25-5, 25-18, 25-14, tagumpay sa UE sa unang laro.
Si Geneveve Casugod ay may 10 kills at anim na blocks tungo sa nanguÂngunang 16 puntos habang sina Marie Charlemagne Simborio at Bernadette Pons ay naghatid pa ng 12 at 10 puntos upang ikasa ang ikalimang panalo sa siyam na laro.
May 12 at 11 puntos sina Jan Michelle Manasala at Ma. Shaya Adorador para sa UE na hindi napanatili ang magandang simula para manatiling walang panalo matapos ang siyam na laro.
Samantala, magpapatuloy ang aksyon ngaÂyong umaga kung saan unang magsasagupa ang La Salle at UST sa alas-8 na susundan ng tagisan ng FEU at Ateneo sa alas-10 ng tanghali sa men’s side.
Maghaharap ang UP at UST sa alas-2 ng hapon bago magkikita ang NU at Ateneo sa alas-4 sa women’s division.