MELBOURNE-- NaraÂting ni Swiss netter Stanislas Wawrinka ang kanyang kauna-unahang Grand Slam finals nang talunin si Tomas Berdych sa apat na sets sa Australian Open men’s singles semifinals sa Melbourne, Australia.
Ipinamalas ng eight seed na si Wawrinka ang tibay ng dibdib sa kinuhang 6-3, 6-7(1), 7-6(3), 7-6(4) sa marathon match.
Makakalaban ni WaÂwrinka ang mananalo sa pagitan nina Rafael Nadal o ang kababayan niyang si Roger Federer sa Linggo.
Ang panalo kay BerÂdych ay nangyari matapos kalusin ni Wawrinka ang nagdedepensang kampeon na si Novak Djokovic sa quarterfinals.
May posibilidad pa si Wawrinka na makuha ang number one ranking sa Swiss kung hindi maghari sa kompetisyon si Federer.
Dikitan man ang laban ay masasabing walang naÂging problema sa labanan si Wawrinka dahil hindi niya nabitiwan ang kanyang serve at may isang break point lamang na nahawakan si Berdych ng Czech Republic.
Nakatulong pa ang pitong double-faults ni Berdych at tatlo rito ay nangyari sa ikatlo at ikaapat na set na napagwagian ni Wawrinka sa tie-break.