^

PSN Palaro

Wawrinka nakauna sa Finals ng Aussie Open

Pilipino Star Ngayon

MELBOURNE-- Nara­ting  ni Swiss netter Stanislas Wawrinka ang kanyang kauna-unahang Grand Slam finals nang talunin si Tomas Berdych sa apat na sets sa Australian Open men’s singles semifinals sa Melbourne,  Australia.

Ipinamalas ng eight seed na si Wawrinka ang tibay ng dibdib sa kinuhang 6-3, 6-7(1), 7-6(3), 7-6(4) sa marathon match.

Makakalaban ni Wa­wrinka ang mananalo sa pagitan nina Rafael Nadal o ang kababayan niyang si Roger Federer sa Linggo.

Ang panalo kay Ber­dych ay nangyari matapos kalusin ni Wawrinka ang nagdedepensang kampeon na si Novak Djokovic sa quarterfinals.

May posibilidad pa si Wawrinka na makuha ang number one ranking sa Swiss kung  hindi maghari sa kompetisyon si Federer.

Dikitan man ang laban ay masasabing walang na­ging problema sa labanan si Wawrinka dahil hindi niya nabitiwan ang kanyang serve at may isang break point lamang na nahawakan si Berdych ng Czech Republic.

Nakatulong pa ang pitong double-faults ni Berdych at tatlo rito ay nangyari sa ikatlo at ikaapat na set na napagwagian ni Wawrinka sa tie-break.

AUSTRALIAN OPEN

BERDYCH

CZECH REPUBLIC

GRAND SLAM

NOVAK DJOKOVIC

RAFAEL NADAL

ROGER FEDERER

STANISLAS WAWRINKA

WAWRINKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with