MANILA, Philippines - Pangungunahan ng mga gold medalists sa nakaraang 7th Asian Junior Wushu Championships at ang mga par busters na nagkampeon sa kani-kanilang mga age group events sa Junior World Golf Championships ang grupo ng mga Tony Siddayao awardees na pararangalan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Sabado sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Babanderahan ni Ken Alieson Omengan ang mga Filipino wushu bets, habang sina Pauline Beatriz Del Rosario at Kristoffer Arevalo ang mamumuno sa 10-man list na kikilalanin ng pinakamatandang media organization sa isang formal rite na inihahandog ng MILO at ng Air21 bilang major sponsor.
Ibinibigay sa mga atletang may edad 15-anyos pababa na nagwagi sa kani-kanilang mga events, ang award ay ipinangalan sa namayapang si sports editor Tony Siddayao, ikinukunsidera bilang ‘Dean of Philippine sportswriting’ na namatay noong 1996.
Bukod kay Omengan, ang iba pang nagwagi ng gold medals sa Asian junior championships ay sina Johnzenth Gajo, Vanessa Jo Chan, Agatha Chrystenzen Wong at ang eight-man exhibition team.
Ipinagbunyi naman sina Del Rosario at Arevalo sa World Jungolf matapos manaig sa girls’ at boys’ 13-14 age bracket.
Kikilalanin rin si Lou Daniella Uy na bumandera sa Team Phi laban sa Thailand sa girls’ 15-17 team championship katuwang si Princess Mary Superal.
Ang kukumpleto sa Siddayao Awards na ibibigay ng PSA katuwang ang Smart Sports, the Philippine Sports Commission, Senator Chiz Escudero, Philippine Basketball Association, Philippine ChaÂrity Sweepstakes Office, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Rain or Shine, Globalport, SM Prime Holdings, ICTSI-Philippine Golf Tour at Accel at 3XVI ay sina chess whiz Alekhine Nouri at Mark Reggie ‘Moymoy’ Flores sa motocross.