MANILA, Philippines - Ipinakita ni Nikko HuelÂgas ang kanyang kaÂhanÂdaan na balikatin ang kamÂpanya ng Pilipinas sa gaganaping Asian Games sa Incheon, Korea matapos ang kahanga-hangang porÂma sa sinalihang 2014 National Age Group Triathlon kahapon sa Dungaree Beach sa Subic Bay FreeÂport.
Ang mga national plaÂyers ay sumali sa Olympic distance na 1.5k swim, 40k bike at 10k run bilang guest pero performance rin ang tinitingnan ng nag-o-organisang Triathlon Association of the Philippines (TRAP) dahil sa magaganap na Asian Games bukod pa sa Asian Beach Games.
Hindi naman nagpabaya si Huelgas na nagsumite ng isang oras, 59 minuto at 21 segundo at hindi pinaporma si John Chicano na namayagpag noong 2013 sa panahong si Huelgas ay nagbuhos ng oras sa kanyang pag-aaral.
“My priority right now is to qualify in the Asian Games. I hope to achieve that this year,†wika ni HuelÂgas na sa Pebrero ay nakatakdang magtapos ng pag-aaral sa La Salle.
Mula sa swim hanggang sa run ay nanguna si Huelgas tungo sa magandang panimula sa taon.
Hindi naman nagpaÂbaya ang number one sa kababaihan na si Kim Mangrobang na nakapagtala ng 2:11:37 tiyempo upang dominahin si Mary Ann Fornea.
“Maganda ang swim ko ngayon at ito ang nagdala sa laro ko,†pahayag ni ManÂgrobang.
Ang nagbida sa unang yugto ng NAGT ay si Mervin Rendel Santiago at Aileen Breen na siyang nagsumite ng pinakamatuÂling tiyempo sa kalalakihan at kababaihan na nasa 2:13:56 at 2:49:40.
Ang karerang ito ay may suporta ng Subic Bay MeÂtropolitan Authority (SMBA) Tourism Department bukod pa ng Asian Centre for Insulation Philipines, Inc. (ACIP), Gatorade, Standard Insurance, Green Triathlon, Lifestyle Subic Bay at Philippine Sports Commission (PSC).