Jones ibinandera ang Rockets sa panalo vs Bucks; Heat wagi sa Bobcats

HOUSTON--Nagposte si Terrence Jones ng career-high na 36 points at 11 rebounds at lumamang ang Houston Rockets mula sa simula patungo sa 114-104 paggupo sa Milwaukee Bucks.

Umiskor si Jones ng 25 points sa halftime na du­­muplika sa itinala niyang career-best noong Mi­yerkules, habang nagdag­dag si James Harden ng 22 points.

Naglista naman si Brandon Knight ng 26 points at 7 assists para sa Bucks, nalasap ang kanilang ika-walong sunod na kamalasan.

Tumanggap si Jones ng standing ovation nang kunin niya ang rebound mula sa mintis na 3-pointer ni O.J. Mayo at iniwanan ito sa pamamagitan ng isang spin move para sa isang off-balance layup na nagbigay sa Houston ng 112-97 abante sa huling dalawang minuto.

Ang 22-anyos na si Jones ang ikalawang pi­nakabatang Rockets na gumawa ng isang 30-point game matapos si Hakeem Olajuwon.

Kumolekta naman si star forward Dwight Ho­ward ng 20 points at 14 rebounds para sa Rockets

Humakot si John Henson ng 20 points at 15 re­bounds para sa Milwaukee at nag-ambag si Luke Ridnour ng 14 points.

Sa Charlotte, North Carolina, tumipa si LeBron James ng 34 points at 8 rebounds para banderahan ang Miami Heat sa 104-96 overtime win laban sa Bobcats.

Ito ang pang-15 sunod na pagkakataon na tinalo ng Heat ang Bobcats.

Humugot si James ng 6 points sa extra period, kasama rito ang dalawang driving layups para sa ikalawang sunod na panalo ng Heat sa nakaraang dalawang gabi.

 

Show comments