Aces humirit ng playoff sa no. 8
MANILA, Philippines - Tinalo ng Alaska ang Barako Bull, 89-80, tampok ang pagtutuwang nina JVee Casio, Gabby Espinas at RJ Jazul sa fourth quarter para makapuwersa ng playoff sa No. 8 seat sa quarterfinal round ng 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagtapos na may magkakatulad na 5-9 record ang Barako Bull, Globalport, Alaska at Meralco.
Ngunit dahil sa kanilang mas mataas na quotient kumpara sa Aces at Bolts, ang Energy ang magiging No. 6 katapat ang No. 3 na Petron Blaze Boosters sa isang best-of-three series at ang Batang Pier ang tataÂyong No. 7 kalaban ang No. 2 at may tangan na ‘twice-to-beat’ advantage na Rain or Shine Elasto Painters sa quarterfinals.
Ang mananalo sa pagitan ng Alaska at Meralco ang kukuha sa No. 8 ticket kalaban ang No. 1 at may ‘twice-to-beat’ incentive na Ginebra.
“We just lived to fight another day,†wika ni Alaska coach Luigi Trillo. “It’s been painful this conference because out of the nine games, six could have gone either way.â€
Isang 25-9 atake ang pinakawalan nina Casio, Espinas at Jazul sa final canto para ibangon ang Aces sa isang three-game losing slump at ayusin ang kanilang ‘sudden-death’ game ng Bolts ngayong alas-8 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tumipa naman si Ronjay Buenafe ng 14 markers para sa Energy kasunod ang 11 ni rookie Carlo Lastimosa.
Sa ikalawang laro, pinayukod ng three-time defending champions na Talk ‘N Text ang Ginebra, 103-79, para wakasan ang kanilang tatlong sunod na kamalasan.
Makakaharap ng No. 4 Tropang Texters ang No. 5 San Mig Coffee Mixers sa best-of-three quarterfinals series.
- Latest