MANILA, Philippines - Humataw pa ng homerun si Rizza Bernardino para pangunahan ang pagsungkit ng three-time defending champion Adamson ng kanilang ikawalong sunod na paÂnalo sa 5-0 shutout tagumpay laban sa UP sa 76th UAAP softball kahapon sa Rizal Memorial Diamond.
Nangapa uli sa pagpalo sa kaagahan ng laro ang Lady Falcons dahil nalimitahan lamang sila sa isang run ng Lady Maroons na nangyari sa second inning.
Tatlong innings hindi naka-iskor ang koponan ni coach Ana Santiago pero nasulit naman ang pagtitiyaga dahil sa solo-homerun ni Bernardino para sa kanyang ikaapat sa season.
Nasundan pa ito ng isa pang homer ni Luzviminda Embudo bago si Analie Benjamin ay humataw ng double sa left field at napapasok sa single ni Julie Marie Muyco para ilayo sa 4-0 ang Adamson.
Ito na rin ang ika-42nd direstong panalo ng Adamson at sina Benjamin at Muyco ay nagsanib sa tatlong hits sa Lady Maroons.
Pahinga ang Adamson sa Miyerkules at gagamitin ni Santiago ang bagay na ito para ibalik ang dating koÂpoÂÂnan ng bataan.
Nanalo ang UST sa UE, 4-3, upang iangat ang puÂmaÂpangalawang karta sa 6-1 habang binokya rin ng La Salle ang Ateneo, 7-0, sa isa pang laro.
Bumaba ang UP at UE sa 3-5 baraha habang ang La Salle ay may 2-4 at ang Ateneo ay may 1-5 karta.