Lady Bulldogs pinigil ang Lady Tamaraws
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
8 a.m. UST vs UE (M)
10 a.m. Adamson vs FEU (M)
2 p.m. UP vs Adamson (W)
4 p.m. La Salle vs Ateneo (W)
MANILA, Philippines - Naghatid ng 16 kills si Dindin Santiago para pamunuan ang 25-18, 26-24, 25-23, pangingibabaw ng National University sa FEU sa 76th UAAP women’s volleyball second round kagabi sa The Arena sa San Juan City.
May walong digs pa si Santiago habang may nine kills at tatlong blocks si Myla Pablo at ang Lady Bulldogs ay nagdomina sa net game, 50-29, para katampukan ang ikalimang sunod na panalo at ikapito sa walong laro at manatiÂling selyado ang ikalawang puwesto.
Ikaapat na kabiguan sa walong laro ang tinamo ng Lady Tamaraws at kahit nanatili sila sa mahalagang ikaapat na puwesto, puwede silang saluhan uli ng Adamson na kalaban ang UP ngayong hapon.
Binuhay ng UST ang nanghihinang kampanya nang wakasan ang apat na sunod na kabiguan sa 25-19, 25-14, 23-25, 25-22, panalo sa UE sa unang laro.
Sina Pamela LastimoÂsa, Jessey De Leon at Carmela Tunay ay tumapos taglay ang 18, 13 at 12 hits para sa Lady Tigresses na dumalawa sa Amazons sa taong ito.
Nakisalo sa mga nagÂpasikat ang Ateneo nang palasapin ng unang pagkatalo ang nagdeÂdepensang kampeon sa kalalakihan na National University sa 24-21, 26-24, 25-23, straight sets panalo sa men’s division.
Nanatili sa unahan ang Bulldogs sa 7-1 baraha pero ang pagkatalo ay naÂngahulugan na magkakaroon ng Final Four sa nasabing dibisyon.
- Latest