Serena sinibak si Hantuchova sa Aussie Open
MELBOURNE--KasaÂbay ng paglala ng heat wave ay ang mainit na laro na galing kay Serena Williams.
Inabot lamang ng isang oras at 20 minuto ang laro ni Williams laban kay DaÂniela Hantuchova nang kunin ang 6-3, 6-3, panalo upang itaas din sa 61 ang kanyang pagpapanalo sa Australian Open.
Iniwanan na niya si Margaret Court sa pinakamahabang winning streak sa kompetisyon at tinablahan si Lindsay Davenport sa paramihan ng laro sa main draw match na 69.
“It was a tough match…it’s definitely hot, but you have to be ready to play,†pahayag ni Williams. “And then you have to prepare yourself mentally, too.â€
Nasa 39 Celsius (102 Fahrenheit) ang temperatuÂra noong naglalaro si Williams at umabot pa ito sa 42C (108F) sa hapon.
Sunod niyang makakaÂlaban ang mananalo sa paÂgitan nina 2011 US Open champion Sam Stosur at dating No. 1 Ana Ivanovic.
Hindi naman ipinagpaÂtuloy nina Serena at kapatid na si Venus ang paglalaro sa doubles dahil sa leg injury ng huli.
Naisalba ni two-time finalist Li Na, isa sa malaÂking hadlang sa landas ni Williams para sa korona, ang match point at gapiin ang No. 26-seeded na si Lucie Safarova, 1-6, 7-6, (2), 6-3.
Umusad sa susunod na round ang No. 9 na si Angelique Kerber ng manaig sa American na si Alison Riske, 6-3, 6-4.
Makakaharap ni Kerber ang No. 28 na si Flavia Pennetta na umiskor ng 6-1, 7-5 tagumpay laban kay Mona Barthel ng Germany.
Tinalo ni No. 22 EkaÂterina Makarova si Monica Nicules, 6-4, 6-4 at namayani si No. 30 Eugenie Bouchard sa American na si Lauren Davis, 6-2, 6-2
- Latest