POC-OCA magtutulungan sa agrikultura
MANILA, Philippines - Hindi lamang sa laraÂngan ng sports magtutuluÂngan ang Olympic Council of Asia (OCA) at Philippine Olympic Committee (POC).
Lumagda sina OCA preÂsident Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah ng KuÂwait at POC president Jose Cojuangco Jr. sa isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtuÂtulungan sa larangan ng agrikultura.
Kasabay nito ay ang pagkakatatag ng Kuwait-Philippines Peace and Development Foundation na siyang gagamitin para sa pagtulong sa ginagawang pagbangon ng mga naapektuhan ni Yolanda sa TacÂloban at Leyte.
“This is a project which the Sheikh and I have talked about and it’s about agriculture,†ani Cojuangco sa briefing na ginawa sa Hotel Sofitel.
Nauna ng nagpalabas ng US$10 milyon pondo ang Kuwait para sa pagbaÂngon ng Tacloban at nangako rin si Sheikh na tutulong sa pagkumpuni sa mga paÂsilidad sa sports na nasira ng bagyo nang nakaharap si Pangulong Benigno Aquino III noong Huwebes.
“We can help in the recovery by providing this good environment for the farmers. This is a very good opportunity for our people to show our friendship. For that I want to show my gratitude and my thanks,†pahayag ni Al-Sabah.
Ang OCA ay nagdaraos sa bansa ng dalawang araw na pagpupulong at kahapon ay nag-usap ang executive board ng OCA.
Ngayong umaga naman gaganapin ang OCA GeÂneral Assembly sa Philippine International Convention Center (PICC) at tampok na kaganapan ay ang presentasyon ng Incheon Korea na siyang host ng Asian GaÂmes sa Setyembre at ang kinatawan ng Rio de JaÂneiro Brazil na host ng 2016 Olympics. (AT)
- Latest