INDIANAPOLIS--Nagpasikat si Lance Stephenson sa laro ng Indiana PaÂcers na napanood sa national television nang gumawa ito ng career-high 28 puntos bukod sa apat na rebounds at assists sa 117-89 pagdurog sa New York Knicks.
“If he’s flashy, he’s being flashy,†wika ni Pacers coach Frank Vogel. “One of our assistants said,’Boy, I wish I had Lance’s energy every day. His competitive spirit is as high as anyone we’ve coached.â€
Maganda ang inilalaro ni Stephenson at siya ang naÂngunguna sa NBA sa triple-doubles sa tatlo. Ito ang pinaÂkamarami sa manlalaro ng Pacers matapos ni Detlef Schrempf noong 1992-93.
Sa Houston, gumawa naman si KeÂvin Durant ng 36 puntos at si Reggie Jackson ay may 23 para balikatin ang Oklahoma City Thunder sa 104-92 panalo sa Houston Rockets.
Malakas na third quarter ang ginamit ng Thunder para burahin ang 12-puntos kalamangan ng Rockets at magtabla ang dalawang koponan papasok sa huÂling yugto.
Bumuhos ng limang puntos si Jackson na tinapos sa isang fast break dunk para itulak ang Thunder sa 103-92 kalamangan.
Tig-16 puntos ang ginawa nina James Harden at Terrence Jones para sa Houston na tumapos lamang taglay ang 19 seÂcond half points matapos gumawa ng season-high 73 puntos sa first half.
Sa London, umangat ang Brooklyn Nets sa 3-0 kapag ang laro ay ginagawa sa London nang kunin ang 127-110 panalo sa Altanta.
Si Joe Johnson na pitong taon na naglaro sa Hawks ay naglatag ng 26 sa 29 puntos sa first half sa O2 Arena.
Kasama sa ginawa ni Johnson ay dalawang buzÂzer-beating 3-pointers para katampukan ang impresibong paglalaro ng Nets sa British capital.