MANILA, Philippines - Nagpakawala ng 36 puntos sa huling yugto ang NLEX Road Warriors para talunin ang Blackwater Sports, 103-86, at tumibay ang kapit sa ikalawang puÂwesto sa PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, QueÂzon City.
Napag-iwanan ng Elite ng hanggang 18 puntos, 45-63, si Kevin Alas ang nagÂÂpasiklab sa 19-9 palitan para lumapit sa 74-79 sa pagtatapos ng ikatlong yugto bago tumulong sina Ronald Pascual, Ola AdeoÂgun at Garvo Lanete sa 23-5 bomba tungo sa 90-77 Abante sa huling yugto.
Ito ang ika-walong panalo ng NLEX sa siyam na laro.
Si Alas ay tumapos bitbit ang 23 puntos, habang si Adeogun ay may 18 puntos at 10 rebounds.
May 22 puntos si Allan Mangahas para sa Elite na bumaba sa 6-4 baraha.
Ginamitan ng Jumbo Plastic ng 18-2 run ang Cebuana Lhuillier upang tapusin ang kampanya sa eliminasyon tangan ang 10-3 karta sa 82-70 panalo.
Binuksan ng Gems ang huling yugto gamit ang 6-2 palitan para hawakan pa ang 66-64 bentahe pero nabokya sila sa sumunod na anim na minuto.
Sina Jason Ballesteros, Marion Magat, HaÂrold Arboleda at Elliot Tan ang nagkapit-bisig sa 12-0 bomba para hawakan ang 76-66 bentahe.
Nasa ikatlong puwesto ngayon ang Giants at hindi malayong malalagay sila sa ikatlo o ikaapat na puwesto paÂra hawakan din ang maÂhalagang ‘twice-to-beat’ adÂvantage sa cross-over, best-of-three quarterfinals.
May 23 puntos at 12 reÂbounds si Ballesteros.
Sinandalan ng Boracay Rum ang 19-4 panimula tuÂngo sa 90-68 demolisyon sa Wangs Basketball sa no-bearing game.