^

PSN Palaro

No. 1 seat puntirya ng Ginebra; San Mig Coffee asam ang 3rd straight

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung may bagay mang iniisip ang mga Barangay Gi­nebra, ito ay ang pag-angkin sa No. 1 seat sa quar­terfinal round.

“On Friday against Globalport, pipilitin na namin makuha ‘yan,” sabi ni head coach Ato Agustin sa pag­sa­gupa ng kanyang Gin Kings sa Batang Pier nga­yong alas-5:45 ng hapon sa 2013-2014 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mga koponang u­upo sa No. 1 at No. 2 spot ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage kon­tra sa No. 8 at No. 7 teams, ayon sa pagkakasu­nod, sa quarterfinals.

Maglalaban naman sa best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5.

Kung mananaig sa Glo­balport, ito pa lamang ang unang pagkakataon na ma­kakamit ng Ginebra ang No. 1 seat matapos no­ong 2006-2007 PBA Phi­lippine Cup na kanilang pi­nagharian.

Umiskor ang Gin Kings ng isang come-from-behind 90-83 win laban sa Ba­rako Bull Energy noong Ene­ro 12.

Nanggaling naman ang Batang Pier sa 91-88 over­time victory kontra sa Alas­ka Aces noong Enero 13.

Target ng Globalport ang isang quarterfinals spot.

“Laban lang kami, com­pete,” sabi ni rookie mentor Rit­chie Ticzon sa Batang Pier na asam ang kanilang ika­lawang sunod na pa­na­lo.

Tangan ng Ginebra ang 10-2 record kasunod ang Rain or Shine (10-3), Petron Blaze (9-4), Talk ‘N Text (7-5), San Mig Coffee (6-8), Globalport (5-8), Meralco (5-8), Barako Bull (5-8), Alaska (4-9) at Air21 (3-10).

Sa ikalawang laro sa alas-8 ng gabi, magpupu­westuhan naman ang Tro­pang Texters at ang Mixers, na­sa isang three-game win­ning streak ngayon, pa­ra sa No. 2 slot sa quarter­finals.

ATO AGUSTIN

BARAKO BULL

BARANGAY GI

BATANG PIER

BULL ENERGY

GIN KINGS

GINEBRA

GLOBALPORT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with