3 cagers, jins at boxers major awardees ng PSA

MANILA, Philippines - Tatlong manlalaro sa basketball, taekwondo at boxing ang kabilang sa mga gagawaran ng major awards sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards Night sa Enero 25 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Sina PBA MVP Arwind Santos, World Boxing Organization light-flyweight champion Donnie Nietes at ang men at women’s poomsae teams na nanalo ng ginto sa world championships sa Bali, Indonesia ang mangunguna sa 17 major awardees na tatanggap ng pagkilala sa seremonyang handog ng Milo at ang Air21 bilang major sponsor.

Sina Terrence Romeo at Raymond Almazan ang makakasama ni Santos sa basketball bilang MVPs ng UAAP at NCAA habang sina world boxing champions Merlito Sabillo at John Riel Casimero ang makakasama ni Nietes sa larangan ng boxing.

Ang batang si Pauline Louise Lopez bukod pa kina Jean Pierre Sabido, Ernesto Guzman Jr. at Glenn Lava (men’s poomsae team) at sina Mikaela Calamba, Rinna Babanto at Jocel Ley Ninobra ang paparangalan sa taekwondo.

Sina golfers Princess Mary Superal at Clare Amelia “Miya” Legaspi, chess Grandmaster Wesley So, BMX rider Daniel Caluag, sanda wushu artist Benjamin “Benjie” Rivera, trackster Archand Christian Bagsit, jockey Jesse Guce at racer Eduardo Jose “Jody” Coseteng ang kukumpleto sa major awardees

Ang Gilas Pilipinas na hawak ni coach Chot Reyes ang siyang mag-uuwi ng tampok na parangal na Athlete of the Year sa awards night na katuwang pa ang Smart Sports, Sen. Chiz Escudero, Accel at 3XVI, Philippine Sports Commission, Philippine Charity Sweepstakes Office, Rain of Shine, GlobalPort, Philippine Basketball Association, ICTSI-Philippine Golf Tour at Philippine Amusement and Gaming Corp.

Ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at pangunahing nagtaguyod sa Gilas Pilipinas na si Manny V. Pangilinan ang siyang Executive of the Year habang ang President’s Award ay mapupunta kina pool players Rubilen Amit, Dennis Orcollo, Lee Van Corteza at Calamba matapos kilalanin bilang mga world champions.

Show comments