So nakipaghatian ng puntos sa German GM

MANILA, Philippines - Muling itinulak ni Filipino Grandmaster Wesley So (Elo 2656) sa hatian ng puntos ang kanilang sagupaan ni German GM Arkadij Naiditsch (2737) sa pagtatapos ng third round ng 76th Tata Steel Tourna­ment Masters sa Wijk aan Zee, the Nethrelands nitong Lunes.

Nakipagkasundo ang 20-anyos na finance busness sophomore na si So sa German GM na maghati sa puntos matapos ang 35 sulungan ng Ruy Lopez Berlin hawak ang mga itim na piyesa upang iposte ang 2 puntos na kanyang nakuha mula sa dala­wang draw at isang panalo sa pagtatapos ng tatlong round.

 Hawak ni Naiditsch ang five pawns at black bishop habang tangan naman ni So ang four pawns at white bishop matapos ang nasabing draw.

Sa kabila nito, nananatiling kasalo pa rin si So sa itaas ng standing kasama sina top seed GM Levon Aronian ng Armenia (2803), GM Pentala Harikrishna ng India (2708), GM Fabiano Caruana ng Italy (2782), GM Hikaru Nakamura ng USA (2789) at GM Anish Giri ng Netherlands (2737).

Show comments