ROS, Petron pupuwesto Abueva, Dillinger at David pinagmulta
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Rain or Shine
vs Meralco
8 p.m. Petron
vs San Mig Coffee
MANILA, Philippines - Pasisikipin pa ng Petron Blaze at Rain or Shine ang labanan para sa uÂnang daÂlawang puwesto sa PLDT MyDSL PBA Philippine Cup sa pag-asinta ng paÂnalo sa mga makakatunggali ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Parehong may 9-3 baÂraha ang Boosters at PainÂters at ang makukuhang panalo ay magdidikit sa kanila sa kalahating laro sa nangungunang Barangay Ginebra (10-2).
Unang sasalang ang Rain or Shine laban sa MeÂralco sa ganap na alas-5:45 ng hapon bago pumalit ang Petron at San Mig Coffee dakong alas-8 ng gabi.
Alam ni Elasto Painters coach Yeng Guiao ang kahalagahan ng laro kaya’t hanap niya na magpatuloy ang determinasyong maÂnalo ng mga players na siyang dahilan kung bakit may limang sunod na panalo ang koponan.
“We have shown matuÂrity and desire to win in tight situations. We have to keep the fire burning,†pahayag ni Guiao na huÂling nalusutan ay ang Talk N’ Text, 90-88.
Tinalo ng Painters ang Bolts sa unang tipanan, 94-89, noong Nobyembre 22 pero hindi puwedeng magkumpiyansa ang kopoÂnan dahil ang tropa ni coach Ryan Gregorio ay may dalawang sunod na panalo sa pagpasok ng taon.
Tumikas ang laro ng Bolts sa pagpasok ng beteÂranong si Danny Ildefonso na naghahatid ng 8 puntos, 6.5 rebounds, 4 assists at tig-isang steal at blocks sa mga panalong nakuha.
Ang ikatlong dikit na panalo ay magpapalaÂkas din sa habol ng Meralco na puwesto sa quarterfinals.
Tinalo rin ng Boosters ang Mixers sa unang pagtutuos na nangyari noong Nobyembre 27, 91-78.
Samantala, pinagmulta ng PBA na nagkakahalaga ng P28,000.00 bunga ng gulong kinasangkutan sina Calvin Abueva ng Alaska Aces at Jared Dillinger at Gary David ng Meralco.
Si Abueva ay pinagmulta ng P10,000.00 matapos iakyat ang naunang itinawag na technical foul tungo sa flagrant/unsportsmanlike foul matapos dumugo ang ilong ni DillenÂger na nasiko ito matapos mawalan ng panimbang sa isang defensive play.
Dinagdagan pa si AbueÂva ng P3,000,00 multa dahil sa kasong flopping.
Ang Fil-Am na si DilÂlinger ay pinagbabayad din ng P10,000.00 dahil itiÂnaas din ang naunang itinawag na technical foul dahil sa taunting tungo sa flagrant/unsportsmanlike foul bunga ng pagpulupot ng braso nito sa leeg ng Alaska player.
May P5,000.00 multa si David dahil sa unsportsmanlike conduct nang nakita sa review sa tape ng laro na nasa fighting stance siya habang nasa loob ng court.
- Latest