^

PSN Palaro

Laguna handa na sa hosting ng Palarong Pambansa

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Opisyal na tinanggap ng Province of Laguna ang pagtayo bilang punong aba­la sa unang pagkakataon sa Palarong Pambansa nang lagdaan ni Governor Jeorge “E.R.” Ejercito-Estregan ang Memorandum of Agreement (MOA) kasama si Department of Education (DepEd) secretary Bro. Armin Luistro kahapon sa Bulwagan ng Karunungan sa DepEd office sa Pasig City.

Dalawang taon na naghintay si Ejercito-Estre­gan na mapunta sa kanyang pinamumunuang pro­binsya ang pinakapres­tihiyosong kompetisyon sa mga mag-aaral sa elementarya at secondary at tiniyak niyang handang-handa ang Laguna sa kaganapang itinakda mula Mayo 4 hanggang 10.

“The Palarong Pambansa in Laguna will be the benchmark of future Palarong Pambansa. This day marks the start of our journey to the biggest and grandest sports event for schooled athletes,” wika ni Ejercito-Estregan sa nag-uumapaw na Bulwagan.

Ang inayos na 19-ektar­yang Laguna Sports Complex ang pag­ga­ganapan ng halos lahat sa 19 sports na paglalaba­nan sa isang linggong kompetisyon.

Aminadong nagulat si Luistro sa dami ng taong sumulpot para sa sig­ning lamang ng MOA at bagamat sa Mayo pa ang aktuwal na kompetisyon ay inihayag niya ang tiyak na tagumpay ng Palaro sa Laguna.

“May mga points na pinagbabasehan para sa pagpili ng host ng Palaro. Pero isa rin sa ginagamit namin ay ang suporta ng mga stake holders na tutulong para sa ikatatagum­pay ng hosting ng Palaro pahayag ni Luistro.

Ang Pambansang kamao na si Manny Pacquiao, PBA superstar James Yap at ang mahuhusay na sina Jeric at Jeron Teng ang siyang inimbitahan para maging panauhing pandangal sa opening ceremony.

 

ANG PAMBANSANG

ARMIN LUISTRO

BULWAGAN

DEPARTMENT OF EDUCATION

EJERCITO-ESTREGAN

GOVERNOR JEORGE

PALARO

PALARONG PAMBANSA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with