^

PSN Palaro

Venus sibak kay Makarova sa Australian Open

Pilipino Star Ngayon

MELBOURNE--Na­maalam agad si Venus Williams sa Australian Open nang lasapin ang 2-6, 6-4, 6-4, pagkatalo kay Ekaterina Makarova sa unang araw ng kompetisyon.

Ang No. 22 seeded na si Makarova ay umani ng atensyon noong 2012  nang patalsikin ang kapatid  ni  Venus na si Serena sa fourth round.

Lalabas si Venus bilang ikalawang pinakamatandang manlalaro sa kompetis­yon sa edad na 33-anyos at kahit nakitaan siya ng magandang laro sa mga naunang yugto ng labanan ay bumibigay siya kapag humahabol si Makarova.

Aangat sana si Williams sa 4-2 sa second set pero hindi niya nakuha ang break-point. Sa ninth game ay tatlong double-faults ang kanyang naitala para masayang ang 40-30 iskor at maisuko ang laro na kung saan siya ang may serbisyo.

Bumabangon mula sa injuries at sakit sa mga nagdaang taon, ipinalagay na makakapagbigay ng magandang laban si Williams sa kompetisyon  ma­tapos umabot sa final ng WTA event sa Auckland sa unang torneo sa taong ito.

Ang two-time finalist na si Li Na ay nanalo sa pinakabatang kasali sa torneo na si Ana Konjuh ng Croatia, 6-2, 6-0 para  itakda ang pagharap sa isa pang 16-anyos na French Open at Wimbledon junior champion na si Belinda Bencic ng Switzerland.

Umabante si Konjuh matapos ang three sets panalo sa beteranang si Kimiko Date-Krumm ng Japan.

ANA KONJUH

ANG NO

AUSTRALIAN OPEN

BELINDA BENCIC

EKATERINA MAKAROVA

FRENCH OPEN

KIMIKO DATE-KRUMM

LI NA

MAKAROVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with