Rain or Shine tinakasan ang Talk ‘N Text

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Globalport vs Alaska

5:15 p.m. Barako Bull vs Ginebra

 

 

MANILA, Philippines - Sumosyo ang Rain or Shine sa ikalawang posis­yon nang lusutan ang three-time defending champions na Talk ‘N Text, 90-88, sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Inangkin ng Elasto Pain­ters ang kanilang pang-li­mang sunod na panalo para patibayin ang kanilang hangaring makamit ang top two seat na nag-aalok ng ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.

Isang split at turnaround jumper ang ginawa ni Beau Bel­ga para sa 90-88 ka­lama­ngan ng Rain or Shine sa hu­ling 1:10 minuto.

Bitbit pa rin ng Barangay Ginebra ang liderato mula sa kanilang 9-2 record sa itaas ng Petron (9-3), Rain or Shine (9-3), Talk ‘N Text (7-5), Meralco (5-7), San Mig Coffee (5-7), Barako Bull (4-7), Globalport (4-7), Alaska (4-8) at Air21 (3-10).

Sa unang laro, tinalo ng Mixers ang Express, 67-60, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo at palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinals.

San Mig Coffee 67 - Simon 20, De Ocampo 12, Barroca 11, Pingris 7, De­vance 6, Sangalang 6, Mallari 3, Reavis 2, Melton 0.

AIR 21 60 - Canaleta 22, Cardona 11, Yeo 9, Taulava 5, Manuel 4, Arboleda 3, Sharma 2, Custodio 2, Camson 2, Matias 0, Espiritu 0, Menor 0.

Quarterscores: 17-12; 29-25; 44-43; 67-60.

Rain or Shine 90 - Quiña­han 19, Belga 16, Nuyles 13, Lee 8, Chan 7, Cruz 6, Tiu 5, Araña 4, Rodriguez 4, Nor­wood 4, Tang 2, Ibañes 2, Al­mazan 0.

Talk ‘N Text 88 - De Ocampo 24, Seigle 18, Castro 17, Alapag 9, Fonacier 8, Aban 4, Anthony 3, Reyes 3, Baclao 2, Peek 0, Ferriols 0, Poligrates 0, Carey 0.

Quarterscores: 24-18; 45-46; 71-70; 90-88.

 

Show comments