Hawks wagi sa Rockets: Nets lusot sa Heat sa 2OT
ATLANTA -- Nadidiskubre na ng Hawks na nagiging poÂsible ang panalo kapag mahigpit ang depensa, lalo na sa isang matinding kalaban.
Umiskor si Kyle Korver ng 20 points, kasama rito ang apat na free throws sa huling 16 segundo, para igiya ang Atlanta sa 83-80 panalo kontra sa Houston Rockets.
Tumipa rin si Paul Millsap ng 20 points para sa Hawks na nakakamit ang kanilang ikalawang sunod na home win matapos talunin ang Indiana Pacers noong MiÂyerkules.
“It’s a real good win for us because it really shows we played some good teams and we actually played some good defense,†sabi ni Millsap.
Pinamunuan naman ni James Harden ang Rockets muÂla sa kanyang 25 points, habang humakot si Dwight HoÂward ng 15 points at 11 rebounds.
Bumangon ang Hawks mula sa 0-11 pagkakaiwan sa kanila ng Rockets sa pagsisimula ng laro para kunin ang 79-78 abante.
At mula dito ay hindi na naghabol pa ang Atlanta.
Sa New York, gumawa si Joe Johnson ng 32 points, habang nagbida si Shaun Livingston sa ikalawang overtime para pagbidahan ang 104-95 panalo ng Brooklyn Nets kontra sa Miami Heat.
Ito ang pang-limang sunod na ratsada ng Nets.
Tumapos si Livingston na may 19 points, isang career-high na 11 rebounds at 5 assists at nagdagdag si Paul Pierce ng 23 points para sa Brooklyn.
Naglista si LeBron James ng 36 points, 7 rebounds at assists, subalit na-fouled out dahil sa kanyang offensive foul sa huling 36 segundo sa unang overtime.
Sa Oakland, California, isinalpak ni Stephen Curry ang isang go-ahead jumper sa natitirang 2.1 segundo paÂra igiya ang Golden State Warriors sa 99-97 panalo laÂban sa Boston Celtics.
Ito ang ika-pitong dikit na kamalasan ng Celtics.
Sa Los Angeles, humakot si Blake Griffin ng 33 points at 12 rebounds sa 123-87 panalo ng Clippers kontra sa Lakers.
- Latest