MANILA, Philippines - Bukas ang isipan ni PSC chairman Richie GarÂcia na isama na sa buÂbuuing National delegation ang mga naÂnalo ng ginÂtong medalya sa idinaos na 2013 Myanmar SEA Games.
Ayon kay Garcia, maÂaÂÂaring gamitin ng mga gold medalist ang Incheon Games mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 4 bilang bahagi na ng kanilang paghahanda para sa 2015 SEA Games sa Singapore.
“Malamang iyong mga gold medalists, ilan lang naman sila, unless na may injury, puwede na isama. You have to remember na ang Asian Games is the year before the SEA Games. So from now to the next SEA Games is only maybe 18 months so part na ito ng conditioning, training for the SEA Games in Singapore,†wika ni Garcia.
Magkakaroon din ng oporÂtunidad ang mga sports officials na sipatin ang kalidad ng kanilang manÂlalaro at malaman ang tsanÂsa para sa medalya sa Singapore Games dahil ang mga bigating kalaban sa SEAG ay maglalaro rin sa Asian Games.
Kabuuang 29 ginto ang napaÂnalunan ng Pilipinas sa Myanmar Games.
Binanggit pa ni Garcia na ang men’s basketball ang tiyak na kasama na sa delegasyon matapos puÂmangalawa sa FIBA Asia Men’s Championship na giÂnawa sa Pilipinas.
Kasabay nito ay nakaÂbitin ang paglahok ng men’s football team dahil ang tatanggapin sa Asian Games ay ang under-23 team na pinalakas ng tatÂlong overage players lamang.
“Kailangan nating malaman kung ano ang epekto sa lakas ng U-23 team ng pagkakaroon ng tatlong AzÂkals players. KailaÂngang maiÂpakitang mabuti ng PFF ang chance natin,†ani Garcia.