^

PSN Palaro

Mga gold winners sa 2013 SEA Games isasama sa Team Phl sa 2014 Asiad

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukas ang isipan ni PSC chairman Richie Gar­cia na isama na sa bu­buuing National delegation ang mga na­nalo ng gin­tong medalya sa idinaos na 2013 Myanmar SEA Games.

Ayon kay Garcia, ma­a­­aring gamitin ng mga gold medalist ang Incheon Games mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 4 bilang bahagi na ng kanilang paghahanda para sa 2015 SEA Games sa Singapore.

“Malamang iyong mga gold medalists, ilan lang naman sila, unless na may injury, puwede na isama. You have to remember na ang Asian Games is the year before the SEA Games. So from now to the next SEA Games is only maybe 18 months so part na ito ng conditioning, training for the SEA Games in Singapore,” wika ni Garcia.

Magkakaroon din ng opor­tunidad ang mga sports officials na sipatin ang kalidad ng kanilang man­lalaro at malaman ang tsan­sa para sa medalya sa Singapore Games dahil ang mga bigating kalaban sa SEAG ay maglalaro rin sa Asian Games.

Kabuuang 29 ginto ang napa­nalunan ng Pilipinas sa Myanmar Games.

Binanggit pa ni Garcia na ang men’s basketball ang tiyak na kasama na sa delegasyon matapos pu­mangalawa sa FIBA Asia Men’s Championship  na gi­nawa sa Pilipinas.

Kasabay nito ay naka­bitin ang paglahok ng men’s football team dahil ang tatanggapin sa Asian Games ay ang under-23 team na pinalakas ng tat­long overage players lamang.

“Kailangan nating malaman kung ano ang epekto sa lakas ng U-23 team ng pagkakaroon ng tatlong Az­kals players. Kaila­ngang mai­pakitang mabuti ng PFF ang chance natin,” ani Garcia.

ASIA MEN

ASIAN GAMES

GAMES

GARCIA

INCHEON GAMES

MYANMAR GAMES

PILIPINAS

RICHIE GAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with