Roach umaasang maitatakda ang Pacquiao-Mayweather fight

MANILA, Philippines - Hanggang ngayong 2014 na lamang ang kon­trata ni Manny Pacquiao sa Top Rank Promotions ni Bob Arum.

At umaasa si chief trai­ner Freddie Roach na maitatakda ang mega showdown nina Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. bago mag­retiro ang Filipino world eight-division champion sa susunod na taon.

“Manny has time left in his contract but I think if he calls Bob and tells Bob what he wants, and that’s Mayweather,” ani Roach kay Pacquiao sa panayam ng The Sweet Science.

“Bob will give him what he wants, Bob will let him go do that fight,” dagdag pa ng five-time Trainer of the Year awardee.

Ilang beses nang kinu­kutya ni Mayweather (45-0-0, 26 KOs) si Pacquiao (55-5-6, 38 KOs) sa kanyang mga accounts sa Facebook, Twitter at Instagram at maging sa kanyang mga pa­­nayam.

Ayon kay Mayweather, hin­di niya lalabanan si Pac­quiao habang nasa ba­kuran ng Top Rank ang Sarangani Congressman.

Si Arum ay naging pro­moter ni Mayweather no­ong 1996 hanggang 2006.

“I think Arum being the promoter and the professional that he is, will give Manny that fight. I like that September date, I’m pu­shing for it,” ani Roach.

Kamakailan ay kumalat ang balitang nagkasundo na sina Pacquiao at May­wea­ther para sa kanilang su­per fight sa Setyembre na kaagad pinabulaanan ng dalawa.

“It’s only rumors now, but I think the rumors will come true. I don’t think either Manny or Mayweather has anywhere else to go,” wika ni Roach.

Ilan sa mga ikinukunsi­dera para makalaban ni Pac­quiao sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada sina World Bo­xing Organization (WBO) welterweight king Timothy Bradley, Jr. (31-0-0, 12 KOs) at WBO light welterweight ruler Ruslan Pro­vod­nikov (23-2-0, 16 KOs).

Ayaw namang labanan ni Juan Manuel Marquez (55-7-1, 40 KOs) sa pang-limang pagkakataon matapos siyang umiskor ng isang sixth round knockout no­ong 2012.

 

Show comments