MANILA, Philippines - Kumbinsido ang mga laÂlahok sa kauna-unahang InÂternational Gamefowl FesÂtival na magtatagumÂpay ang mga aktibidades na gaÂÂgawin sa susunod na lingÂgo sa SMX Convention CenÂter sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.
May 85 local exhibitors ang nagpatala na sa pestiÂbal na gagawin mula Enero 17 hanggang 19, ngunit loÂlobo pa ito dahil hindi pa kaÂsali sa talaan ang mga daÂÂyuhang makikiisa sa kaganapan.
Ito ang unang pagkakaÂtaon na magkakaroon ng isang pestibal na tutukoy lamang sa gamefowl daÂhil dati ay isinasabay ito sa malalaking derby kaÂya naniniwala ang mga maÂkikilahok na mas magiging epektibo ito lalo na kung pagÂtulong sa mga papasibol na breeders ang pag-uusapan.
“Mas mapo-focus ngaÂyon ang mga products sa gamefowl di tulad dati na maraming clients na hinÂdi naman interesado sa gamÂefowl. It will be much better this time dahil makikita agad ng mga gustong buÂmili ang mga hanap nila,†wika ni Carlo Aguilar, kapatid ni Las Piñas Mayor at kiÂlalang sabungerong si Vergel “Nene†Aguilar.
Ang mga kilalang panabong na manok ni Aguilar na allen roundhead at mga pullet ang mga ihahain sa kanilang booth na mabibili sa mas murang halaga na P2,000.00 hanggang P20,000.00.
Ilan pa sa mga bigatin sa industriya na nagkumpirÂma na mage-exhibit ay ang mga premyadong manok ni Davao base Rogelio “BeÂbot†Uy, ang kakaibang white Velcro nina Lito at King Guerra at ang mga paÂlabang manok ng World Slasher Cup champion LawÂrence Wacnang.
Upang mabigyan ng pagÂkakataon ang mga gusÂtong bumili na makita ang kondisyon ng mga biÂÂnibiling maÂnok, isang ruÂweda ang ilaÂlagay sa pagÂdarausan ng pestibal paÂra dito makilatis ang gaÂling ng mga panabong na maÂnok.
Tatayong major sponsors sa nasabing tatlong araw na kaganapan ang ThunÂÂderbird at Lakpue Drug Inc.