Slaughter, Williams at iba pa, hindi na maisasama ni Reyes sa Gilas Pilipinas

MANILA, Philippines - Sa Agosto 1 na sisimulan ng Gilas Pilipinas at ni head coach Chot Reyes ang kanilang paghahanda pa­ra sa 2014 FIBA World Championship sa Agosto sa Spain.

At dahil sa gahol na panahon kasabay ng 39th PBA season, sinabi ni Reyes na hindi na siya nag-iisip ng ka­ragdagang pangalan sa kan­yang national pool.

“As of now daily training starts Aug. 1. If that’s the case, no time to try new pla­yers for roster change,” wika ni Reyes sa kanyang Twitter account na @coachot.

Ang mga nasa national pool ay sina naturalized pla­yer Marcus Douthit, Jayson Cas­tro, Jimmy Alapag, LA Tenorio, Larry Fonacier, Jeff Chan, Gabe Norwood, Ga­ry David, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Marc Pingris at Ranidel de Ocampo at reserve na si Beau Belga.

Sisimulan ng Nationals ang kanilang team practi­ces matapos ang World Cup draw na nakatakda sa Peb­rero 3 sa Spain.

Ilan sa mga sinasabing ma­kakatulong sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup ay sina seven-foot rookie Greg Slaughter ng Barangay Ginebra at mga dating miyembrong si­na Kelly Williams ng Talk ‘N Text, Marcio Lassiter at Chris Lutz ng Petron Blaze.

“After February, but those are basically shooting drills and walk-throughs. Can’t go hard as players are still in-season,” wika ni Re­yes.

Nakatakdang talakayin ng PBA Board at ni Reyes ang paglahok ng national team sa 2014 FIBA World Cup at maging sa 2014 Asian Games sa Incheon, Ko­rea.

Ang iskedyul sa 2013-2104 PBA season ang patuloy na nagiging problema ni Reyes para sa ensayo ng Gilas Pilipinas.

Ang 39th PBA season ay maaaring umabot sa Agos­to 11 kung magkakaro­on ng Game Seven sa 2014 Governors Cup Finals at magsisimula ang FIBA World Cup sa Agosto 30.

Sinabi ng PBA na hindi na nila maaaring baguhin ang kanilang kalendaryo nga­yong season.

Show comments