MANILA, Philippines - Pipilitin ng Pambansang koponan na lalahok sa 7th ASEAN Para Games na hindi malagpaÂsan ng host Myanmar sa komÂpetisyong itinakda muÂla Enero 11 hanggang 21 sa Nay Pyi Taw.
Dumalo sa unang sesÂyon ng PSA Forum sa 2014 sa Shakey’s MalaÂte kahapon si Philippine Sports Association for the DifÂferently Abled-National Paralympic Committee of the Philippines (Philspada-NPC Philippines) chairman at founder Mike Barredo upang tiyakin na palaban lahat ang 57 atleta na lalahok sa pito sa 12 events na paglalabanan.
“Myanmar will definitely make an effort to get past us as host of the event. But we are confident we can maintain our stanÂdings,†wika ni Barredo na sinamahan sa pagpupulong ni PhilÂspada executive director Dennis Esta.
Ang Pambansang koÂpoÂnan ay lalahok sa athletics, swimming, chess, arÂchery, table tennis, poÂwerlifting at wheelchair basÂketball.
Wala namang entrada ang Philspada sa boccia, goalball, football 7-a-side, football 5-a-side at sitting volleyball.
Noong 2011 Para Games sa Solo, Central JaÂva, Indonesia, ang iniÂlaÂbang delegasyon ay naÂnalo ng 23 gold, 23 silver at 18 bronze medals para tumapos sa pang-lima, habang ang Myanmar ang nasa ikaanim na puwesto bitbit ang 11 ginto, 8 pilak at 12 tansong medalya.
Tulad ng ginawa sa 27th SEA Games ay nagÂdagÂdag din ng events ang Myanmar na papabor sa kaÂnila at binawasan ang events na mahina sila.
Dahil sa pagkilos na ito, ang Myanmar ang puÂmangalawa sa overall sa SEA Games, habang ang PiÂlipinas ay tumapos sa piÂnakamasama sa kasaysayan ng regional games sa ika-pitong puwesto sa 29 ginto, 34 pilak at 38 tanso.
Binanggit ni EsÂta na liÂmang buwan na nagÂsaÂnay ang mga kasapi ng koponan at dalawang buÂwan sila itinira sa iisang tiÂrahan para mabuo ang saÂmahan.
Magsasagawa naman ng isang simpleng sendoff ceremony ngayong alas-2 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City at inaasahang dadalo ang mga opisyales ng PSC, British Embassy, New Vois AssoÂciation of the Philippines at Pilipinos With Disabilities Inc. (PWD).