Boosters, Tropang Texters magpapalakas sa top two

Isinalpak ni Japeth Aguilar ng Ginebra ang isang two-handed slam dunk laban sa San Mig Coffee noong Linggo. Nanaig ang Mixers kontra sa Gin Kings, 83-79. (PBA Images)

Laro Ngayon

(Smart Araneta

Coliseum)

5:45 p.m. Air21

vs Talk ‘N Text

8 p.m. Barako Bull

vs Petron

 

MANILA, Philippines - Kapwa puntirya ng Petron Blaze at three-time defending champions na Talk ‘N Text ang kani-kanilang ika­­lawang sunod na pana­lo na magpapalakas sa ka­nilang tsansa para sa No. 1 at No. 2 berth sa quarterfinal round.

Makakatapat ng Boos­ters ang Barako Bull Energy ngayong alas-8 ng gabi matapos ang banggaan ng Tropang Texters at Air21 Ex­press sa alas-5:45 ng hapon sa 2013-2014 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Taglay ng Barangay Ginebra ang liderato sa likod ng kanilang 9-2 record kasunod ang Petron Blaze (8-2), Rain or Shine (8-3), Talk ‘N Text (7-3), San Mig Coffee (4-7), Globalport (4-7), Meralco (7-6), Alaska (4-7), Barako Bull (4-7) at Air21 (2-8).

Ang No. 1 at No. 2 teams ang mabibigyan ng ‘twice-to-beat’ incentive sa quar­terfinals laban sa No. 8 at No. 7, ayon sa pagkaka­su­nod.

Ang at No. 3 ang sasagupa sa No. 6 at lalabanan ng No. 4 ang No. 5 sa best-of-three series. 

Matapos maglista ng ma­tayog na 7-0 kartada ay dalawang sunod na ka­biguan ang nalasap ng Pet­ron.

Sa likod ng team-high na 22 points ni Marcio Las­si­ter, tinalo ng Boosters ang Tro­pang Texters, 105-91, no­ong Disyembre 28.

“We’ll continue to build, grow, learn, and play together. And if we continue that, we also hope to start this new year on a good note,” wika ng 6-foot-2 na si Lassiter.

Inaasahang muling iu­upo ni head coach Gee Aba­nilla si 6-foot-10 so­phomore center June Mar Fa­jardo dahil sa kanyang right knee injury.

“We’re deep. We can put up a lot of points and we still play the same system that we do despite not ha­ving June Mar,” sabi ni Lassiter.

Umiskor naman ang Ener­­gy ng 108-95 tagum­pay kontra sa Globalport Ba­tang Pier noong Dis­yembre 29.

Tinalo ng Petron ang Barako Bull, 96-90, sa ka­nilang unang paghaharap.

Sa naturang panalo ay humugot si Paolo Hubalde ng siyam sa kanyang 15.

Sa unang laro, puntirya naman ng Tropang Texters ang ka­nilang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Express.

“It’s a game where we have to play tough and maintain our focus. Air21 is a much better team than their record indicates,” ani Talk ‘N Text mentor Norman Black sa kanilang pag­banggga sa Air21. “We must do a good job on the boards to win the game.”

Itinala ng Talk ‘N Text ang 121-117 panalo kontra sa Alaska at nakatikim naman ang Air21 ng 88-92 pag­katalo sa Meralco.

Show comments