MANILA, Philippines - Tinalo ng UniversÂity of Perpetual Help SysÂtem Dalta ang San BeÂda College, 25-22, 22-25, 25-20, 27-25, paÂra palakasin ang kaÂnilang tsansa sa Final Four sa NCAA women’s volleyball tournament kaÂhapon sa The Arena sa San Juan.
Nalampasan ng Lady Altas ang itinalang league-record na 33 points, kasama rito ang 28 attacks at 4 service aces, ni Janine Marciano sa panig ng Lady Red Spikers.
“Hindi pa talaga nagji-jell yung bawat isa up to now. Lahat ng posisyon ina-adjust ko,†ani coach Sammy Acaylar sa kanyang Lady Altas. “Masaya pa rin at nanalo. Hangga’t maÂaari, we wanted to win three or four sets.â€
Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng San BeÂda matapos magtumpok ng malinis na 5-0 kartada para makatabla sa ikalaÂwang puwesto ang PerpeÂtual.
Magkasalo naman sa liÂderato ang Arellano University at ang College of Saint Benilde sa magkatulad nilang 5-1 marka.
Samantala, nagtala si JheÂmil Abadilla ng 14 hits at 5 digs para igiya ang LyÂceum sa 18-25, 25-20, 25-18, 25-19 paggupo sa Letran.
Ito ang ikalawang panalo ng Lady Pirates ngayong season kasabay ng pagpapalasap sa Lady Knights ng kanilang pang-pitong suÂnod na kamalasan sa torneo.
Sa men’s division, dumiÂretso ang PerÂpetual Altas sa kaÂnilang ika-40 dikit na arangkada nang iguÂpo ang San Beda Red Lions, 25-20, 25-20, 25-23.