Boracay tinabunan ang hog’s breath
MANILA, Philippines - Malakas na panimula ang ginawa ng Boracay Rum upang ipatikim sa Hog’s Breath Café ang kaÂnilang pangatlong sunod na pagkatalo sa 91-67 deÂmolisyon sa pagbabalik-laro ng PBA D-League AsÂpirants’ Cup kahapon sa Arellano Gym sa Legarda, Manila.
Isang 16-1 palitan ang tuÂmabon sa 10-12 iskor para kunin ng Waves ang 26-13 kalamangan sa pagtatapos ng unang yugto.
Hindi na binitiwan pa ng troÂpa ni coach Lawrence Chongson ang momentum at nagtulung-tulong siÂna Chris Banchero, Jeff VierÂnes, Mark Belo at Stephen SiÂruma.
“We’re still hoping for the best,†wika ni Chongson na ang tinutukoy ay ang maÂkapasok sa quarterfiÂnals.
“The good thing right now is that the players are starting to embrace the sysÂtem,†dagdag nito.
Si Banchero ay mayroÂong 16 puntos at anim na assists na tila senyales na nakasanayan na niya ang takbo ng koponan.
May 11 puntos si Paul Sanga para sa Razorbacks na nakasalo ngayon sa ikaÂapat hanggang ikaanim na puwesto kasama ang CaÂgayan Valley at Café France.
Magarang pagsalubong sa bagong taon ang ginawa rin ng NU-Banco de Oro nang wakasan ng koponan ang anim na suÂnod na pagkatalo sa insÂpiradong 97-68 panalo sa Arellano University-Air21 sa unang laro.
Isinuot pa rin ni Bobby Ray Parks Jr. ang uniporÂme ng Bulldogs at tumapos bitbit ang 20 puntos pero malaking tulong ang ibinigay ni Jethroy Rosario na may 18.
May 6-of-7 shooting, si Rosario ay may sampung puntos sa unang yugto paÂra ilayo agad ang Bulldogs, 23-12.
“We never prepared for the zone but our shooting clicked. Our balance scoring was also the key,†wika ni assistant coach Joey GuaÂnio na siyang dumisÂkarÂte kahalili ng head coach Eric Altamirano na nasa US paÂra maghanap ng mga Fil-Am players.
Umabot sa 31 puntos, 76-45, ang kalamangan ng NU sa pagtatapos ng ikatÂlong yugto.
- Latest