CLEVELAND -- Umiskor si Paul George ng 16 points, samantalang isinalpak ni center Roy Hibbert ang isang putback at dalawang free throws sa huling 1:09 minuto para akayin ang Indiana Pacers sa 82-78 panalo kontra sa Cleveland.
Lumamang ang Pacers ng 16 points sa fourth quarter bago idikit ni guard Dion Waiters ang Cavaliers mula sa kanyang 12 straight points sa pinakawalang 16-1 atake para sa kanilang 74-75 agwat sa 3:35 minuto.
Ang free throw ni Hibbert sa huling 7.9 segundo ang naglayo sa Pacers sa 81-78 at muling nakuha ng IndiaÂna ang bola nang magkaroon ng turnover si Cavalier’s forÂward Earl Clark sa natitirang 6.9 segundo.
Tumipa si David West ng free throw sa huling 5.4 seÂgundo para ibigay sa Pacers ang pang-pitong panalo sa huli nilang walong laro.
Sa bitbit na 27-6, ang Indiana ang may best record sa NBA ngayon.
‘’We didn’t finish the game the right way,’’ sabi ni West. ‘’They hung around and made some shots, but our defense held strong.’’
Tumapos si Hibbert na may 15 points at may 11 si West para sa Pacers.
Nagtala si C.J. Miles ng 21 markers at nagdagdag ng 14 si Waiters para sa Cavaliers.
Naglaro ang Cleveland sa ikatlong sunod na pagkakataon na wala si All-Star point guard Kyrie Irving na may bruised knee, habang ang kanyang backup na si Jarrett Jack ay may back spasms.
Sa Oklahoma City, naglista si Durant ng 21 points, 7 rebounds at 8 assists, habang umiskor si Reggie Jackson ng career-high na 27 points para igiya ang Thunder sa 119-96 panalo laban sa bisitang Boston Celtics.
Nagdagdag si Serge Ibaka ng 17 points at 11 boards para sa Oklahoma City.
May 4-2 record ngayon ang Oklahoma City matapos sumailalim si All-Star point guard Russell Westbrook sa arthroscopic knee surgery noong Disyembre 27.