Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
8:30 a.m. UP vs AdU (M)
10 a.m. FEU vs UST (M)
2 p.m. UE vs AdU (W)
4 p.m. DLSU vs FEU (W)
MANILA, Philippines - Mabangis na laro ang agad na ipinakita ng AteÂneo at National University upang kalusin ang mga nakatunggali sa pagbabalik-aksyon ng 76th UAAP women’s volleyball kahaÂpon sa The Arena sa San Juan City.
Si Alyssa Valdez ay gumawa ng 20 kills at tatlong service aces tungo sa 24 hits habang si Amy Ahomiro ay mayroong 14 puntos, kasama ang dalawang blocks, para tulungan ang Lady Eagles sa 25-20, 25-21, 25-13, straight sets panalo laban sa UP.
Ito ang ikaapat na sunod na panalo matapos ang limang laro ng koponang pumangalawa sa La Salle noong nakaraang season at nangyari ito sa pagdiskarte ni assistant coach Parley Tupaz.
Si Tupaz ang hahawak sa koponan dahil ang Thai mentor na si Anusorn Bundit ay sa Enero 18 pa ang balik ng bansa bunga ng pagiging abala sa pagdiskarte sa Thai national junior team sa isang kompetisyon.
Umabot lamang ng isang oras at pitong minuto ang bakbakan at ginamit ng Lady Eagles ang lakas sa net game sa kinuhang 48-18 bentahe.
Sinandalan ng Lady Bulldogs ang lakas nina Dindin Santiago at Carmin Aganon tungo sa 25-18, 25-13, 25-21, panalo sa UST sa isa pang laro.
May 19 at 14 puntos sina Santiago at Aganon at nagtambal sila sa 28 kills na siyang kabuuang spikes na nagawa ng Lady Tigresses sa larong tumagal ng isang oras at 12 minuto.
May pito at anim na digs pa sina Aganon at Santiago habang si Ivy Perez ay may 22 excellent sets para manatili ang NU na kasalo ang Ateneo sa ikalawang puwesto sa 4-1 baraha.
Bumaba ang UST sa 2-3 habang ang UP may 0-5 kartada.
Pinalawig ng NU ang panguÂnguna sa men’s division sa 5-0 baraha nang iuwi ang 17-25, 25-21, 25-20, 18-25, 15-9, panalo sa Ateneo. Wagi rin ang La Salle sa UE, 25-21, 25-16, 25-18, sa isa pang laro para makapantay ang Eagles sa 2-3 kartada. (AT)