^

PSN Palaro

So handa na sa laban sa Tata Steel Chess Championship

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa si GM Wesley So na harapin ang unang mabigat na hamon kung paglalaro ng chess ang pag-uusapan sa 2014.

Kasali ang 20-anyos na si So sa 76th Tata Steel Chess Championship na uusad mula Enero 10 hanggang 26 sa Wijk aan zee, Netherlands at siya ang inilagay bilang ninth seed sa kompetisyong lalahukan ng mahuhusay na chess players sa mundo.

Nakuha ni So ang see-ding matapos manalo ng limang torneo noong 2013.

“It will be another challenge for me,” wika ni So, na ibinigay din sa Pilipinas ang kauna-unahang gintong medalya sa Univer­siade noong Hulyo sa Kazan, Russia.

Hindi natalo si So sa mga nilaruan noong nakaraang taon matapos dominahin ang Reykjavik Open sa Iceland noong Pebrero, Calgary Classic sa Canada noong Mayo, Las Vegas Chess Festival sa US noong Hunyo at ang 17th Univie Crown sa Ne­ther­lands noong Oktubre.

Nagsilbing coach din si So sa US team na nag­laro sa World Chess Team Championship sa Turkey noong Disyembre.

Sa kasalukuyan, si So ay No. 28 sa talaan ng FIDE bitbit ang ELO 2719 at inaasahang tataas pa ito matapos ang unang paglalaro sa Tata Steel

CALGARY CLASSIC

LAS VEGAS CHESS FESTIVAL

NOONG

REYKJAVIK OPEN

TATA STEEL

TATA STEEL CHESS CHAMPIONSHIP

UNIVIE CROWN

WESLEY SO

WORLD CHESS TEAM CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with