Maria-Serena rivalry muling sisiklab sa semis sa Brisbane International
BRISBANE, Australia - Muling bubuhayin nina Serena Williams at Maria Sharapova ang kanilang bakbakan matapos itakda ang kanilang semifinal matchup sa Brisbane International, isang tuneup event para sa Australian Open.
Umiskor ang top-ranked na si Williams, ang defending champion, ng 6-3, 6-3 panalo kontra kay ninth-seeded Diminika Ci-bul-kova ng Slovakia sa loob lamang ng isang oras.
Ang third-seeded namang si Sha-rapova ay nangailangan ng dalawang oras bago gibain si 2012 Brisbane champion Kaia Kanepi, 4-6, 6-3, 6-2.
Naipanalo ni Williams ang huli niyang 13 laro laban kay Sharapova at ang pinakahuli ay sa finals ng French Open.
Hindi pa nananalo si Sharapova kay Williams sapul noong 2004.
Ito ang unang torneo ni Sharapova matapos ang maagang pagkakasibak sa nakaraang Wimbledon.
Nagbabalik si Sharapova matapos magkaroon ng isang right shoulder injury.
Binuksan niya ang Brisbane International sa pamamagitan ng 6-3, 6-0 panalo laban kay Caroline Garcia ng France at nakakuha ng walkover sa quarterfinals nang umayaw ang 17-anyos na si Australian Ashleigh Barty dahil sa isang leg injury.
- Latest