Andrada Cup netfest dinagsa ng mga tenista

MANILA, Philippines - Dinagsa ng mga tenis­ta ang mga age groups na paglalabanan sa 25th Andrada Cup age-group tennis championships na gagawin mula Enero 6 hanggang 12 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ang mga dibisyon na paglalabanan ay sa 10-under unisex, boys and girls 12-under, 14-under, 16-under at 18-under na siyang sentro ng tagisan.

Ang torneo ay pinasi­mulan ng dating Philippine Tennis Association (Philta) president at ngayon ay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Salvador “Buddy” Andrada at dito nagsimula ang mga tiningalang tennis players ng bansa.

Kabilang sa mga da­ting kampeon ay sina  Philippine Davis Cuppers Johnny Arcilla, at Patrick John Tierro  bukod pa kina Joseph Victorino at Jurence Mendoza sa kalalakihan habang sina Clarice Patri­monio, Marinel Rudas at Czarina Mae Arevalo ang ilan sa kuminang sa kababaihan.

Ang mga dating kampeon ay ipakikilala uli na siyang magiging highlight sa opening ceremony.

Walang cash prizes na ipamimigay sa mga ma­nanalo kundi ranking points na 200 habang ang papangalawa ay magbibitbit ng 120 puntos.

Tumutulong sa pagpondo sa kompetisyon ang kasaluyang Philta board sa pangunguna ng pangulo na si Mayor Edwin Olivarez habang ang ibang sumusuporta ay sina Julito Villa­nueva, Manuel Misa, Pablo Olivarez, Oscar Hilado at Jean Henri Lhuillier.

 

Show comments