^

PSN Palaro

ABAP, Marcial binigyan ng award ng ASBC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang parangal ang iginawad ng Asian Boxing Confederation sa Pilipinas bunga ng hosting ng Asian Youth Championships sa Subic Bay noong Marso.

Ang matagumpay na  pa-boksing ay nagresulta upang kilalanin ang kompe­tisyong inorganisa ng ABAP at suportado ng PLDT bilang Best Asian Competition ng 2013.

Isa pang boksingero ng bansa na si Eumir Felix Marcial ang itinanghal bilang Best Asian youth Boxer of the Year matapos manalo ng ginto sa nasabing kompetisyon.

Ang 2011 World Junior champion na si Marcial ang nagdomina sa 64 kg. light-welterweight division nang kanyang pulbusin si Bartzorig Otgonjorgal ng Mongolia, 29-12, para ibigay ang isa sa apat na ginto na nakuha ng Pambansang boksingero na suportado ng PLDT.

Sina Jade Borneo (light flyweight), Ian Clark Bautista (flyweight) at James Pa­licte (lightweight) ang iba pang nanalo sa kompe­tisyon.

Dahil sa galing na nai­pa­kita ni Marcial na magdiriwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan sa taong ito, nararamdaman ng mga opisyales ng ASBC na isa siya sa dapat paghandaan sa gaganaping Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre.

Umabot sa 24 bansa ang sumali at kinilala rin ng ASBC ang hirap na ginawa ng ABAP para matiyak na magiging matagumpay ito para ibigay din ang Best Asian Competition plum.

Natuwa si ABAP president Ricky Vargas sa mga pagkilala na ibinigay ng Asian body lalo na ang pagturing kay Marcial bilang isa sa mga papasibol na boksingero sa rehiyon.

“Marcial is one of our prized discoveries from our grassroots development program and is one of those we are looking at to carry the torch for the country in future competitions,” pahayag ni Vargas.

Hindi rin sinolo ni Var­gas ang kredito sa ma­tagumpay na hosting dahil hindi nila magagawa ito kung wala ang suporta ng ibang tao na nagmamalasakit sa sport ng boxing.

“We couldn’t pulled if off without the blessing of our chairman, Manny V. Pangilinan and the support of those in the MVP group who pitched in,” wika pa ni Vargas.

Ang mga kumpanyang PLDT, SMART, MAYNILAD (pinamumunuan mismo ni Vargas), at MVP Sports Foundation ang mga ti­nuran ni Vargas bukod pa ang tulong ng Philippine Sports Commission (PSC).

Kasabay nito ay inihayag din ni Vargas ang napipintong paggawad ng insentibo sa mga boksingerong nagtulong para makapaghatid ang Pambansang koponan ng tatlong ginto, apat na pilak at tatlong bronze medals sa 27th SEA Games sa Myanmar.

“We’re very proud of our male and female boxers who slugged it out even under adverse conditions. We are also proud that our benefactors from PLDT, SMART and MAYNILAD again came through as they chipped in for the P2 milyon total cash incentive,” dagdag ng ABAP official.

Ang mga pinalad na nanalo ng ginto sa Myanmar ay sina Josie Gabuco, Mark Anthony Barriga at Mario Fernandez at sila ay gagantimpalaan ng ABAP ng tig-P300,000.00 insentibo.

Bukod ito sa ibibigay na P100,000.00 mula sa PSC na igagawad ngayon sa thanksgiving mass sa Philsports sa Pasig City.

May maiuuwing P200K at P100K insentibo ga­ling sa ABAP ang mga silver at bronze medalists.

Ang PSC ay mayro­on ding P50,000.00 at P10,000.00 insentibo para sa ganitong kulay ng medalya.

vuukle comment

ASIAN

ASIAN BOXING CONFEDERATION

ASIAN GAMES

ASIAN YOUTH CHAMPIONSHIPS

BEST ASIAN COMPETITION

MARCIAL

SHY

VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with