Pinalawig pa ng Pacers 8-dikit na panalo kinuha sa Cavaliers
INDIANAPOLIS--Lumawig pa sa walong sunod ang pagpapanalo ng Indiana Pacers sa Cleveland Cavaliers sa pagkuha ng 91-76 panalo noong Martes.
Gumawa ng 21 puntos si Paul George habang si Roy Hibbert ay naghatid ng 19 marka at ang Pacers ay gumamit ng malakas na laro sa huling yugto upang maitala ang pinakamahabang winning streak sa isang aktibong koponan sa NBA.
Si George Hill ay nag-ambag pa ng 13 puntos at ang Pacers ay nanalo sa ika-limang sunod na pagkakataon para itaas ang win-loss record sa 25-5.
Matibay din ang depensa ng Pacers sa huling yugto matapos pahintulutan ang Cavaliers sa 3-of-16 shooting bukod sa paghirit ng pitong turnovers para matalo ang Cleveland sa ikaanim na sunod na pagkakataon tungo sa 10-21 baraha.
Hindi lamang ang kabiguan ang iniinda ng Cavaliers dahil may posibilidad na mawala pa sa koponan si Kyrie Irving.
Bumagsak si Irving hawak ang kaliwang tuhod at nahirapan siyang bumalik sa kanilang bench.
“I thought the worst happened,†wika ni Irving. “I felt someting pop in my knee. I was falling down around all over the place. It was a painful experience.â€
Nakabalik pa siya sa laro may 9:27 sa orasan pero ramdam niya na may iba sa kanyang tuhod kaya isang MRI ang nakatakdang gawin kay Irving sa Miyerkules para malaman kung ano ang bumabagabag sa tuhod nito.
Tumapos lamang ang third-year point guard bitbit ang 10 puntos bukod pa sa limang assists at ganoong dami ng rebounds.
Sa Los Angeles, nakalapit ang Phoenix ng kalahaÂting laro sa Clippers para sa NBA Pacific Division lead matapos iposte ang 107-88 panalo sa likod ng 26 puntos at walong rebounds ni Goran Dragic bago siya naupo sa final canto.
Nagdagdag si Gerald Green ng 21 puntos para sa Suns na nanalo ng 10 sa kanilang 12 laban sa ilalim ng bagong coach na si Jeff Hornacek.
Sa iba pang laro, nanalo ang Atlanta sa Boston, 92-91; Golden State sa Orlando, 94-81; Sacramento sa Houston, 110-106; San Antonio sa Brooklyn Nets, 113-92; Toronto sa Chicago, 85-79; Milwaukee sa Lakers; 94-79 at Portland sa Oklahoma City, 98-94.
- Latest