^

PSN Palaro

Pamamahala sa Teacher’s Camp, ililipat na ng PSC sa Baguio City

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ng Philippine Sports Commission (PSC) na ibigay ang pamamahala ng ilang bahagi ng Tea­cher’s Camp sa Baguio City.

Isa sa nais ng PSC na hawakan ang pamamahala ay ang track oval na siyang ginagamit ngayon na lugar na pinagsasanayan ng national athletics team.

Matatandaan na ang mga laro ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) sa pamumuno ni Go Teng Kok, ay gumawa ng marka sa katatapos na Myanmar  SEA Games matapos manalo ng anim na ginto na siyang pinakamarami sa mga National Sports Associations (NSAs) na sumali sa kompetisyon.

Naiparating na ni PSC chairman Ricardo Garcia ang pagnanais na ito sa House Committee on Youth and Sports Development na pinamumunuan ni Davao del Norte 1st District Congressman Anthony del Rosario.

Ang Teachers Camp ay pinamamahalaan ng Department of Education kaya’t ang nais ng PSC na ayusin ang track oval ay hindi makumpleto dahil sa pangambang masayang ito dahil masisira agad ito dahil walang control ang ahensya sa paggamit ng pasilidad.

Naunang sinabi  ni Congressman Del Rosario na pipilitin ng Kongreso na ta­pusin ang mga batas na tutukoy sa ikagaganda ng sports ng bansa sa 2014.

ANG TEACHERS CAMP

BAGUIO CITY

CONGRESSMAN DEL ROSARIO

DEPARTMENT OF EDUCATION

DISTRICT CONGRESSMAN ANTHONY

GO TENG KOK

HOUSE COMMITTEE

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with