MANILA, Philippines - Tiniyak ng Minister of Youth and Sports ng Maldives na si Mohamed Maleeh Jamaal na maihahanda ng bansa ang dalawang stadiums na gagamitin para sa AFC Challenge Cup na sisimulan sa Mayo 19, 2014.
Sa panayam ng football website na maldivesoccer.com kay Jamaal, kanyang inihayag na sa unang linggo ng Enero sisimulan ang pagkumpuni sa gagamiting venues na national stadium sa Male at Seenu Atoll Hithadhoo zone stadium sa Addu City.
“The upgrading of the national stadium and the Zone stadium in the Addu City will start in the first week of JaÂnuary,†wika ni Jamaal.
Isang mataas na opisyales ng Asian Football ConfeÂderation ang bumisita sa nasabing bansa kamakailan para tingnan ang ginagawa para matiyak na matagumpay ang torneo
Ito na ang ika-limang edisyon ng Challenge Cup at walong bansa ang magtatagisan sa kompetisyon na matatapos sa Mayo 30. Ang Pilipinas ay kasali sa torneo matapos pangunahan ang Group E na ginawa sa Rizal Memorial Football Stadium.
Ang iba pang maglalaro bukod sa host country ay ang Afghanistan, Myanmar, Palestine, Laos, Kyrgyzstan at Turkmenistan.
Para palakasin ang masidhing hangarin na maisagawa sa kanilang bansa ang kompetisyon, ang Maldives ay nagbabalak na kunin din ang karapatang tumayo bilang punong-abala sa AFC Challenge Cup draw ceremony.
Naunang idineklara ang Pilipinas bilang stand-by host sakaling walang magandang makita ang AFC sa preparasyon ng Maldives sa Challenge Cup.