NCFP makikiusap sa PSC para kay So
MANILA, Philippines - Tutulong ang pamunuan ng National Chess FeÂderation Philippines (NCFP) na kumbinsihin ang Philippine Sports Commission (PSC) na panatilihin ang Grandmaster na si Wesley So sa kanyang estado sa priority list athletes kahit hindi sumali sa 27th SEA Games sa Myanmar.
Mismong si NCFP preÂsident Prospero Pichay ang mangunguna sa pagkumbinsi kay PSC chairman Ricardo Garcia na huÂwag ibaba o alisin si So sa listahan matapos maipaliwanag ng mabuti ang kadahilanan kung bakit hindi nakalahok ito sa Myanmar.
Sa panayam kahapon kay NCFP executive director GM Jayson Gonzales, ibinulalas niya ang pagdaÂting noong nakaraang buwan ng ama ni So na si William at nakausap niya hindi lamang si Pichay kundi pati si PSC chairman Garcia.
“Dumating ang ama ni Wesley noong November 18 at naipaliwanag niya na kaya hindi nakasali si Wesley sa SEA Games ay dahil may naunang balita na hindi na magpapadala ang NCFP ng team dahil dumami nga ang mga events na pabor sa Myanmar. Kaya nagkaroon na siya ng ibang priorities at noong sinabi na magpapadala tayo ng team ay hindi na talaga siya puwede,†wika ni Gonzales.
Dahil wala ang number one player, ang Pilipinas ay nag-uwi lamang ng dalawang pilak at dalawang bronze medals at mababa ito kumpara sa isang ginto bukod sa apat na pilak at tatlong bronze medals noong 2011 sa Indonesia.
May patakaran ang PSC na aalisin o made-demote ang kategorya ng isang atleta na hindi nanalo ng medalya sa Myanmar SEA Games kung ito ay kaÂbilang sa priority athletes.
Bilang gold medalist ng 2011 Games, si So ay tumatanggap ng P40,000.00 buwanang allowances at may ganitong halaga rin para sa kanyang pagsasaÂnay.
Nasa Canada ngayon si So at isang chess scholar ng Webster University of St. Louis at nasa ilalim ng pangangalaga ni Susan Polgar.
Hindi pa batid ang magiging hakbang ng PSC sa apela na ito lalo pa’t ang chess ay hindi lalaruin sa 2014 Incheon Korea Asian Games.
Ngunit ang Pilipinas ay maghahanda sa World Chess Olympiad sa Tromso, Norway at magiging mahalagang bahagi ng bubuuing koponan si So.
- Latest