Huhugot ng 5 manlalaro: Jarin palalakasin pa ang Phl U-17 team

MANILA, Philippines - Gusto ni Jamike Jarin na palakasin ang kanyang FIBA World Championship-bound Phl under-17 team  bilang paghahanda sa FIBA-Asia U18 Championship sa Oktubre Doha, Qatar.

Sinabi ni Jarin, iginiya ang National team sa silver medal finish sa FIBA-Asia U16 Championship sa Tehran, Iran para makalaro sa FIBA Worlds sa Agosto sa Dubai, na plano niyang idagdag sina Thirdy Ravena at Aaron Black ng Ateneo, Mark Dyke ng National University, Hope Christian School cager John Apacible at La Salle-Greenhills star Kobe Paras.

“We’re hoping the pla­yers we want will be avai­lable and we will start fo­rming the team this January,” sabi kahapon ni Jarin. “Yes, its a pool that also consists of all the members of my FIBA World Cham­pionship-bound U17 team.”

Sina Ravena, Black at Paras ay mga anak nina Bong Ravena, Norman Black at Benjie Paras, ayon sa pagkakasunod.

Si Paras, ang reigning FIBA U18 slam dunk champion at bahagi ng National team na sumabak sa FIBA World 3x3 U18 Championship sa Jakarta, ay nakatakdang mag-aral sa United States.

Ang koponan ni Jarin ay binubuo nina Ateneo’s Mike at Matt Nieto at Jolo Mendoza, La Salle-Greenhills’ Carlo Abadeza at Mike dela Cruz, Far Eastern U’s Ri­chard Escoto, UP’s Paul De­siderio, UPIS’ Diego Dario, San Sebastian’s Enzo Navarro, Sacred Heart of Cebu’s Arnie Padilla, Mikel Panlilio at Hope’s Jolo Go.

Maagang pag-eensayo ang gagawin ng koponan bilang paghahanda sa Dubai joust.

“Schedule and everything permitting, we hope to start practicing early because we’ll be preparing for not just one strong tournament, but two,” wika ni Jarin.

Show comments