Air21 vs Globalport; Ginebra kontra Petron giyera sa MOA sa araw ng pasko

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena,

Pasay City)

5:30 p.m. Air21

vs Globalport

8 p.m. Ginebra

 vs Petron

 

MANILA, Philippines - Araw ngayon ng Pasko, ngunit inaasahang walang magbibigayan sa pagitan ng sister teams na Barangay Ginebra at Petron Blaze.

Pag-aagawan ng Gin Kings at ng Boosters ang liderato sa kanilang pagta­tapat ngayong alas-8 ng gabi matapos ang salpukan ng Globalport Batang Pier at Air21 Express sa alas-5:30 ng hapon sa 2013-2014 PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kasalukuyang magka­salo sa liderato ang Gi­nebra at Petron mula sa mag­katulad nilang 7-1 re-cord kasunod ang three-time defending champions na Talk ‘N Text (6-2), Rain or Shine (5-3), Globalport (4-4), San Mig Coffee (3-5), Meralco (3-6), Alaska (3-6), Barako Bull (3-6) at Air21 (1-8).

Nalasap ng Boosters ang kanilang kauna-una­hang kabiguan sa torneo ma­tapos yumukod sa Elasto Painters sa overtime, 95-99, noong Disyembre 21.

Sumasakay naman ang Gin Kings sa isang four-game winning streak kung saan ang kanilang hu­ling naging biktima ay ang Alaska Aces, 96-89, noong Disyembre 21.

Sa pagharap sa Petron, pupuntiryahin ng Ginebra ang kanilang pang-limang sunod na ratsada para angkinin ang liderato.

Kung mayroon mang ki­natatakutan si head coach Ato Agustin ay ang ma­agang pagkahinog ng la­ro ng kanyang Gin Kings.

“Iyon din ang kinakatakot namin. Pero based on the way we play, alam na na­min kung paano mag-a-adjust and kung paano bibigyan ng pahinga ‘yung mga players namin,” wika ni Agustin.

Maghaharap sa shaded lane sina seven-foot rookie Greg Slaughter ng Ginebra at 6’11 sophomore June Mar Fajardo ng Petron na hu­ling nagtapat habang nag­lalaro sa kani-kanilang koponan sa Cebu Sports

Athletic Foundation, Inc. (CESAFI) college basketball tournament sa Cebu City.

Sa unang laro, magpipilit namang makabangon ang Batang Pier mula sa na­lasap na 80-83 kabigu­an sa Mixers noong Dis­yembre 20 na pumutol sa kanilang three-game win­ning run.

Nasa isang three-game losing skid naman ang Ex­press.

Show comments