Sepak takraw kinapos sa gold

    Papahiga na si Rhey Jey Ortouste nang sipain ang rattan ball (takraw) upang lusutan ang depensa ng isang Laotian player na tagpo sa laro sa semifinals sa SEAG sepak takraw  kahapon. Natalo ang Pilipinas, 1-2, para makontento sa bronze medal.

NAY PYI TAW--Hindi ki­naya nina Emmanuel Escote, Jason Hurte at Rhey Jhey Ortouste na dagdagan pa ng ginto ang medalya ng Pilipinas nang nalaos sila sa Laos, 1-2, sa semifinals ng men’s double sa sepak takraw sa pagtatapos ng 27th SEA Games kahapo dito.

Dahil dito ay isang bron­ze medal na lamang ang naidagdag sa kabuuang medal tally ng Pilipinas na nasa 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze medals.

Ang Singapore na siyang host ng 2015 SEA Ga­mes ang siyang umukopa sa dating puwesto ng Pambansang koponan noong 2011 sa Indonesia sa 34 ginto, 29 pilak at 45 bronze medals.

Ito na ang pinakamasamang pagtatapos ng Pilipinas sa regional games na ginagawa tuwing dalawang taon.

Ang dating pinakamasa­mang puwesto ay pang-anim sa overall na nangyari rin noong 2007 sa Thailand.

Ang 29 gold medals ang ikatlong pinakamababa na nakuha ng bansa matapos manalo lamang ng 20 noong 1999 sa Brunei at 26 sa 1989 Kuala Lumpur editions.

Pero mas mataas ang inabot na pagtatapos ng ini­labang koponan dahil nasa panlima sila sa overall.

Bago ang kompetisyon ay naghayag na ang mga sports officials ng paniniwalang malalagay sa ika-pitong puwesto ang koponan na binuo ng 210 athletes.

Ito ay dahil sa nabawa­san ang mga events na ma­lakas ang bansa at nagdagdag ang host Myanmar ng larong papabor sa kanila

Hindi nga nagkamali ang hinuha ng mga opis­yales dahil ang Myanmar ang nalagay sa pangalawang puwesto sa pangkalahatan bitbit ang 86 ginto, 62 pilak at 85 bronze medals.,

Noong 2011, nasa ika-pitong puwesto ang Myanmar tangan lamang ang 16-27-37 medalya.

Ang Thailand ang lumabas na overall champion bitbit nag 107 ginto, 94 pilak at 81 bronze medals at pumangatlo ang Vietnam sa 73-86-86.

Ang Indonesia ang pu­mang-apat sa 65-84-111 kasunod ng Malaysia na may 43-38-7 7medal tally.

 

Show comments