NAY PYI TAW--Nagbunga ang pagtitiyaga sa pagsasanay ni juÂdoka Gilbert Ramirez para makuha ang kanyang ikatlong ginto sa SEA Games.
Noong 2003 sa Hanoi at 2005 sa Manila SEA Games kuminang si Ramirez upang paniwalaang magtatagal ang kanyang paghahari sa men’s -73kg division.
Ngunit nagkaroon siya ng injury noong 2007 sa Thailand at nagkaroon lamang ng bronze medals noong 2009 Laos at 2011 Indonesia Games.
“Akala ko talaga tapos na ako. Kaya nagsipag talaga ako sa ensayo namin,†wika ni Ramirez.
Sa Japan nagsanay ang mga judokas at pinili niyang makaensayo ang mga mas malalaking katunggali para mapuwersa siyang ilabas ang nalalaman.
“Maganda naman ang naging resulta. Atleast may natitira pa pala akong lakas,†dagdag nito.
Kaya nang sumalang na siya sa Myanmar SEA Games ay buo ang kanyang loob at may tiwalang kaya niyang gapiin ang sinumang makakatapat sa laban para makuha ang gintong medalya.
Sa panalong ito, naniniwala pa si Ramirez na makakatulong ito para sumigla ang judo sa bansa.
Sa pansariling benepisÂyo, makakatulong ito para lalo siyang magsumikap para bigyan pa ng karaÂngalan ang bansa sa mga darating na malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.