MANILA, Philippines - Sinusuportahan ng World Boxing Council (WBC) ang pagkikita nina Floyd Mayweather Jr. at Amir Khan na posibleng mangyari sa Mayo.
“Amir is a very interesÂting potential opponent for Floyd. Amir is a big star in the UK and he can punch,†wika ni Sulaiman, and exeÂcutive secretary ng WBC.
Naunang inilagay ng WBC ang Pambansang kamao Manny Pacquiao bilang number one contender sa welterweight division na isa sa dalawang dibisyon na pinamumunuan ng walang talong American boxer.
Ang isa pang dibisyon na dominado ni Mayweather ay ang mas mataas na super welterweight division.
Sa pagpapakita ng suporta ni Sulaiman sa tagisang Mayweather-Khan ay naglaho na ang posibilidad na magkrus na ang landas ng pound-for-pound king at si Pacquiao sa unang hati ng taong 2014.
Balak bumalik ng ring si Mayweather sa Mayo habang sa Abril nais sumalang sa laban si Pacman.
Hindi naman minamadali ng WBC si MayweaÂther na magdesisyon kung anong titulo ang panaÂnaÂtilihin at binibigyan nila ito ng sapat na oras para makapag-isip-isip.
“We’re expecting we can get in tough with him in January. He has had a great year full of action, and has showed great loyalty top the WBC many many times†wika pa ni Sulaiman.
Si Khan ay rated number three sa welterweight division at kung siya nga ang mapili ni MayweaÂther na harapin sa una sa dalawang laban sa 2014, mangangahulugan ito na itatabi niya ang 147-pound title para magkaroon pa ng kaunting liwanag ang pinapangarap na mega-fight nila ni Pacquiao.