Thunder Ibinandera ni Durant sa 8-dikit
OKLAHOMA CITY--Tumipa si Kevin Durant ng 32 points para pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa 107-95 panalo kontra sa Chicago Bulls at angkinin ang kanilang pang-walong sunod na panalo.
Nag-ambag si Russell Westbrook ng 20 points at may 18 si reserve Reggie Jackson para sa Thunder na itinala ang 13-0 record sa Chesapeake Arena.
Ang Oklahoma City laÂmang ang tanging NBA team na may perpektong home record.
Kumolekta naman si Joakim Noah ng 23 points at 12 rebounds para sa Bulls, nalasap ang kanilang pang-apat na dikit na kamalasan.
Nagdagdag naman si Taj Gibson ng 16 points kasunod ang 15 ni D.J. Augustin.
Naglaro ang Chicago na wala sina Kirk Hinrich (back tightness) at Luol Deng (sore Achilles), habang nilisan ni Jimmy Butler ang laro dahil sa isang right ankle injury.
Kinuha ng Thunder ang isang 15-point lead sa kaagahan ng fourth quarter hanggang makalapit ang Bulls sa pitong puntos mula sa tres ni Augustin sa 8:50 ng laro.
Umiskor ang Oklahoma City ng 16 points kumpara sa 4 markers ng Chicago sa loob ng 5 1/2 minuto para tuluyan nang angkinin ang tagumpay.
- Latest