Muay fighters knockout ang kailangan

NAY PYI TAW--Para hindi mabiktima ng hometown decision ay dapat na manalo ng kumbinsido ang tatlong muay fighters ng bansa na lalaban sa ginto sa 27th SEA Games.

“Kailangan i-knockout ang kalaban,” wika ni Philip Delarmino kahapon.

Ang gold medal bout ay gagawin  ngayon at bukod kay Delarmino na lalaban men’s  54kg division, ay nasa finals din sina Jonathan Polosan (63.5kg) at Preciosa Ocaya (women’s 54kg).

Kalaban ni Delarmino ang Myanmar bet na si Saw Dar Pot at alam niya ang nangyari sa mga Pinoy na nakaharap ang Myanmar bets sa ibang sport kaya’t determinado siyang tapusin ng maaga ang kalaban.

Si Polosan ay kaharap si Panupong Panjad ng Thailand habang si Ocaya ang masusukat kay Phithsaya Phoumchanh ng Laos.

Wala namang duda ang mga opisyales ng muay na sina secretary-general Luis Rivera at coach Roland Claro sa kakayahan ng mga alagad ang mga kalaban kung patas ang desisyon ng mga hurado at referee.

Show comments