PCCr wagi sa AMAC
MANILA, Philippines - Pinabagsak ng Philippine College of Criminology ang mahigpit na katunggaÂling AMA Computer UniÂversity, 85-74, upang maÂÂpanatili ang kanilang perfect record habang naungusan ng Diliman Computer Technology Institute ang Colegio de San Lorenzo, 64-58, sa sixth Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) basketball tournament sa San Andres gym sa Malate, Manila.
Humugot si Jose Mandano ng game-high 30 puntos upang pangunahan ang Panthers sa league-best record na pitong sunod na panalo sa parehas na bilang na laro.
Sina Discipulo at Macaranas ay nagsanib pwersa sa 35 puntos para sa Mark Hererra-mentored Titans, na bumagsak sa 5-2 karta..
Ang DCTI ay sumandal sa balanseng firepower mula sa kanilang matitikas na manlalaro upang gulatin ang San Lorenzo sa isang kapanapanabik na labanan upang mag improve sa 3-1.
Samantala, ang defenÂding champion St. Francis College ay namayani laban sa PNTC Colleges, 104-79, upang makamit ang kanilang ika-apat na panalo sa anim na laro.
Sa junior division match, nanaig ang AMA laban sa dating walang bahid na PCCr, 79-76, para umakyat sa 3-1.
- Latest