^

PSN Palaro

Bagong gym naghihintay kay Pacquiao sa LA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagong gym ang naghihintay para kay Manny Pacquiao sa Los Angeles sa pagsisimula ng kanyang training para sa susunod niyang laban na maaaring sa Abril 12 sa Las Vegas at inayos na ni Freddie Roach ang isang closed-door sessions.

Ang bagong pasilidad ay matatagpuan sa ground floor ng isang strip mall sa Vine Street sa Hollywood.

Ito ay isang dating laundromat hanggang mabili ni Roach ang naturang 1,500 square-foot property.

Sinabi ni Roach inalok niyang bilhin ang buong strip mall, ngunit ayaw pumayag ng may-ari.

Ang nasa itaas ng da­ting laundromat ay ang Wild Card Gym na binuksan ni Roach noong 1994.

Ang entrance sa Wild Card Gym ay nasa likuran ng  strip mall.

Lumawak na ang Wild Card Gym sa 3,000 square feet kung saan mayroon itong dalawang boxing rings at mga training equipment mula sa heavy bags hanggang sa speedballs, treadmills at double-end bags.

Marami ring mga salamin dahil gusto ng mga shadow boxers na makita ang kanilang sariling ginagawa ang routine nila.

Ang larawan ng mga boksingero ay makikita sa pader.

At ang pinakaprominenteng fighter na produkto ng nasabing gym ay si Pacquiao.

Sinabi ni Roach na binili niya ang laundromat space para kay Pacquiao at iba pang kliyenteng gustong magsanay ng eksklusibo.

 Ayon kay Roach, magsasanay si Pacquiao sa naturang gym para sa kanyang susunod na laban Los Angeles.

ABRIL

FREDDIE ROACH

LAS VEGAS

LOS ANGELES

PACQUIAO

SINABI

VINE STREET

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with